KOMSIK
KOMSIK
( MAESTRO )
Sa inyong talino'y kami'y napamangha
Sa bawat araw, kaalaman ay dala.
Sa silong ng ilalim ng araw o ulan
Nagmumula a kaalaman, tila alinglangaw ng kaganapan.
Iyong mga kamay parang puhunan ng kinabukasan.
Iyong mga aral, hindi lamang sa libro
Sa buhay ito ri'y aplikado
Sa bawat leksyon, higit pa sa kaalaman,
Aming gabay sa landas ng edukasyon
Kami'y nagpapasalamat ng lubusan.
Sa ating mga halakhak, buhay ay nagiging mas magaan,
At sa bawat kuwento, puso namin ay nagpapalakpakan
Guro naming ini- idolo,
Aming hinahangaan, walang kapantay sa mundo.
Salamat ng lubusan Ginoong Frio.
Sa huling talata, higit pa sa mga salita,
Sir Dhanz, aming titser, ikaw ang aming inspirasyon.
itatanim ang aming karunungan sa puso't isipan,
Nagbibigay halaga sa buhay sa mundong puno ng lihim at
misteryo, Aming paborito, walang iba kundi ikaw mestro.
Comments
Post a Comment